Wednesday, February 18, 2015

“Simbolo!”

Ano nga ba ang “sign”? Ito ba ‘yung sa Mathematics na subject? Together with cosine and tangent? Ito ba ‘yung English ng “sine” kung san ka nanunuod ng movie? Ito ba ‘yung perma? Ito ba ‘yung kailangan ng halaman para mabuhay? “Sign-light” ba? Ahhhh! Ito siguro ‘yung hinihingi o hinihintay sa tuwing tayo ‘y nag-dadoubt or di kaya magdedecide? Ito nga siguro ‘yun. Pero una sa lahat. Naniniwala ba kayo sa sign? Sabi nila, “Oo! Naniniwala kami! Kasi ito yung paraan ni God para tulungan kami sa pag decide.” “Oo! Kasi ito ‘yung pahiwatig! Sign itself.” “Hindi! Kasi hindi naman ‘yun totoo at nagkakatotoo eh!” “Hindi! Kasi pinapaasa niya lang ang mga taong nagpupursige at ginagawa ang lahat. Pero sa huli siya parin ‘yung susundin which is masakit.” Sabi ko naman, “Okey lang naman maniwala o hindi sa sign eh. Depende naman satin kung mararamdaman natin ito or hindi na usually nararamdaman talaga natin ngunit ‘di natin alam na naramdaman na pala natin ito. Ang sign kasi gamit sa pagdedesisyon, kapag nagdodoubt or naguguluhan. Kasi laging nadiyan lang ang sign. Hindi hinihintay, hinihingi. Ito ay kusang dadating sa atin ‘yun nga lang minsan hindi natin alam. At huli, para malaman natin kung ito na nga ‘yung sign, let us define “sign”. Ano nga ba talaga ang sign? Ito mismo ‘yung nararamdaman natin, nafefeel, nakikita(mentally) at napapansin(emotionally) natin. Hindi ito ‘yung mga bagay o pangyayaring imposible at mababa lang lang ang chance para magkatotoo, dahil sating mga nararamadaman, ito na ‘yung sign. ‘Yung nga lang, nasa atin ‘yun kung gusto talaga nating mangyari yung ating gusto, kailangan nating sabayan at pakisamahan ang mga “sign” na ito.

Saturday, February 7, 2015

Hala! Anong bang Nangyayari?

Naranasan mo na ba hindi mo alam ang ginagawa mo? Ang tamad-tamad mo. Ang hina-hina mo. Wala kang ganang kumain. Wala kang gustong gawin. Wala kang pakialam sa sarili mo. Pati grades mo sa school naapektuhan na. Malalaman mo nalang ang baba or bagsak ang grades mo. Ano nga ba ang nangyayari? May mali ba sa buhay mo? May kulang? O hindi mo alam? Siguro nga sa panahon ngayon di mawawala ang kalungkutan lalong-lalo na sa kakaibang henerasyon ng tao. Syempre kung uso ang kalungkutan, nandiyan ang heartbreak, nandiyan din ang bitter, nandiyan ang loner, at marami pang iba. Kung nararanasan mo ang ganitong mga bagay, isa nga ba ikaw sa mga ito? Well, kung ako ang tatanuning, may “something” lang talaga diyan kay Mr./Ms. Heart na dahilan kung bakit ka nagkakaganoon. At kung ano yun? Abay malay ko! Ikaw mismo ang nakakasagot sa mga bagay na iyan. Isa lang naman ang solusyon upang malampasan ang ganitong mga pangyayari. Kung uso ang kalungkutan, heartbreaks, at bitter, uso din kaya ang “move on”. Galaw-galaw din! Baka yang puso mo maging bato. Mahirap na yan kung nagkagayon. Kung ikaw naman ay walang idea kung bakit ka nagkakaganoon. O ‘di kaya hindi mo alam ang mga sagot sayong sariling tanong, magpa-psychiatrist ka na. Iba na iyan! Baka lumala pa! Hala!
“San Tayo? Ikaw na mag decide! Ikaw na nga! Ikaw na sabi eh…
                Ganun ba kayo? ‘Yung hindi niyo alam kung saan kayo pupunta. Hindi niyo alam kung ano gagawin niyo. Hindi niyo alam ang kakainin niyo. Hindi niyo alam kung saan magde-date. ‘Yung hindi niyo alam kung sino ba talaga ang magdedecide para sa inyong dalawa at sa inyong gagawin. Kung kayo ay ganun, sasabihin ng iba ay hindi maganda sapagkat wala kayong isang desisyon at dahilan lamang ng pag-aaway. At para sa pananaw naman ng iba ay maganda kasi dito niyo daw makikita ang trust sa dalawang nagmamahalan.

                Ano nga ba? Sino ang magdedesisyon? Sino dapat ang sundin? Lalaki ba? Lalaki daw sapagkat sila daw nagdadala sa isang relasyon. Sabi naman ng iba ay babae? Kasi kaming mga lalaki ay may pananaw na kayong mga babae ang aming susundin kasi kayo ang batas, kayo ang masusunod at kayo ang mas nakatataas. Kung hindi niyo naman alam kung sino sa inyong dalawa, marahil ay iniisip niyong dalawa na ayaw niyong controlin ang isa’t isa. Ayaw niyong underin ang isa’t isa. Ayaw niyong magdesisyon na ayon lamang sa inyong pansariling kagustuhan.  Para sa akin okey lang naman kung sino ang magdedesisiyon. Pweding ang lalaki, pweding ang babae, pweding palitan kayo kung sino ang magdedecide. Ang mahalaga sa bawat desisyon na inyong gagawin ay mararamdaman niyong dalawa ang saya na magkasama kayo, at ang desisyon na walang masasabing sama ng loob. “Good decisions are made when doubts are in abstraction.” Ganun talaga sa dalawang magkarelasyon, na ‘yung isa ay umaayon sa anumang desisiyon nung isa at yung isa ay umaayon din sa kahit anong gawing desisyon nung isa. Ang gulo diba? Minsan nga sa tagal niyo magdesisiyon, hindi niyo alam na wala ng oras. Atleast masaya kayong magkasama sa lugar na kayo ay nagdedesisyon pa lamang. Masaya kaya ‘yun! Hahaha.
15 Types ng mga BITTER
§   Iniwan ng kasintahan
§   Nasaktan dahil hindi siya ang pinili
§   May mahal/gusto pero hindi siya mahal/gusto
§   Walang nagmamahal
§   FEELING walang nagmamahal
§   Sawa na sa Buhay-Single
§   Kaibigan ng isang Bitter
§   ‘Di naniniwala sa FOREVER
§   Walang balak magmahal
§   Kabit/Third Party
§   Walang sinabi sa karibal
§   Naiingit
§   Mahina ang loob
§   Galit sa manhid
§   Hindi masaya sa karelasyon


Bakit nga ba sila naging bitter? Nakakain ba sila ng bulok ampalaya? Marahil naging bitter sila dahil nasaktan sila, nasasaktan sila, at takot silang masaktan muli. Sila ang mga taong sinasabing “BITTER”. Wala namang pinagkaiba sila sa ordinaryong tao.  Pare-pareho lang naman tayong lahat. Tao lang din sila. May utak, dugo at laman din. Ang pinagkaiba lang ay may pait sila sa puso nila na kusa nalang nilang nararamdaman.

Sunday, February 1, 2015

Halaw sa totoong kwentong-buhay ng isang may problema sa pagiisi na nagngangalang Ito. Kwento ng isang taong nawalan ng kanyang pinakamamahal na anak dahil sa martial law. Patuloy siyang lumalaban upang makamit ang hustisyang ninanais.
“Pangalan?”
ni Jerome Gabutero Gacu

Umaga na naman. Kailangan kong makahanap ng maraming maraming tao sa araw na ito. Pero, teka lang! Nagugutom na ako. Ipapambili ko na lang ng pagkain ‘tong natitirang tatlong piso sa karinderyang iyon.
“Ate pakain nga po.” sabi ko sa ateng nagbabantay sa karinderya.
“Ano ang ulam?”
“Ito po.” sabay turo sa giniling.
“Bayad?”
Kinuha ko sa bulsa ang kaunting barya sabay abot sa tindera.
“Hala! Kulang ang pera mo! Hindi ‘to pwede! Umalis ka nga rito! Ang baho baho at ang dungis dungis mo! Mawawalan pa kami ng kostumer sa’yo eh. Umalis ka dito!”
Hay! Ang sungit naman nong ate kanina. Parang hindi tao ang kausap. Pero gutom na gutom na talaga ako eh. ‘Di bale na. Maghahanap na lang nga ako ng malilistang pangalan.
Lumapit ako sa lalaking matangkad na may kasamang magandang babae, “Kuya? Pangalan mo po?”
“Deter! Deter Fontamillas!”
Tumungo naman ako sa kasama niya, “Ikaw ate? Pangalan mo?”
“Samantha!”
Apelyido?
“Dela Vega!”
“Salamat po.”
Okey na ‘tong panimula na dalawang pangalan para sa araw na ito. Marami-rami dapat makalap ko.
Sabi raw nila, baliw raw ako. Eh mga tanga pala sila eh! Sila nga itong hindi ko maintindihan. Sino kaya sa amin ang baliw? Hayy… tao talaga oh.
Ui hala! Maghanap na kaya ako ng panulat? Mukhang hindi ko na makita ang mga sinusulat ko ah. Mamaya nalang. Nagugutom na ako eh. Mag papahinga nalang muna ako. Teka, teka. Doon! Doon sa tindahang iyon. Bibili muna ako ng kendi pampalipas ng gutom.
“Pabili nga ng kendi ate. Maxx ho. Eto pong tatlong piso. Salamat po.”
Aba! May TV rin pala rito! Makikinood na lang din muna ako. Masyado pang mainit ang sikat ng araw eh.
SONA na ng bagong pangulo. Ang dami kong katanungan sa bagong halal na pinuno ng bansa. Anu-ano kaya plano niya sa bansa? Ano kaya mga pangako niya? Magiging maayos ba siyang pangulo? Siguro mangangako siya at muling mapapako? Sana maging mabuti siyang pangulo. Dapat hindi siya maging katulad ni Marcos. Ewan ko ba’t ganoon nalang ang laki ng galit ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan na iyon? Bakit ganoon na lama gang aking reaksyon na dahilan kung bakit ako pinagtatawanan at kinukutya ng mga tao.
Agad akong lumisan sa tindahang iyon. Hindi ko naman kasi maintindihan ang sinasabi niya. Aba! May magbabarkada doon sa kanto ah. Mapuntahan nga at matanong na lang din pangalan nila.
“Pangalan niyo?”
“Ako si Schwarzenegger! Hahahahahaha”
Sumunod yung barkada niya, “Ikaw?”
“Marcos!”
Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig, “Loko ka ah! Ano ba?”
“Marcos nga! Hahahahahaha”
“Marcos? Yung SHIPS sa ingles? Hahahaha” Dagdag ng kasama niya.
“P*tang ina niyo ah!”
“Ferdinand Marcos nga! Hahahaha!” kita mo sa mukha nila ang pang-aarasar nila.
Bigla akong napasigaw sag alit, “P*ta ka! Wala kang kwenta!”
“Marcos! Marcos! Marcos pa there! Marcos pa more! Marcos for fun! Hahahahaha” sabay takbo ng mga hayop!
P*tang ina niyo! Mga gag*! Mawala na kayo sa mundo! Bwiset! Tinatanong ng mabuti eh! Malilintikan kayo sakin! Put*!
Lokong mga tao ‘yon ah! Ay naku! Lintik talaga sila. Nakakawalang gana ah. Makapunta nga sa parke. Baka madami akong malista doong pangalan. Madami pang naglalaro na mga bata at maaliw pa ako.
            Andaming bata ngayon ah. Naupo muna ako nang makapagmasid-masid. Matagal tagal na rin ‘yung huling punta ko rito. Naalala ko noong nandito ako kasama ang pamilya ko. ‘Yung kasama ko ang anak kong si Miko. Habulan doon, habulan dito. Masaya kaming naglalaro ng taguan nang madulas siya at muntik na mabagok ang ulo. Grabe ang pag-alala ko sa kanya noon. May nakaaway rin akong magulang dahil napaaway ang anak ko sa isang bata. Pasaway kasi ng anak ko eh. Batuhin ba naman ng bulate yung batang babae?
Teka lang, bakit parang may tumutulo? May tumulo galing sa ’king mata. Bakit ganito? Bakit sobrang naalala ko ang batang iyon? Naku! Kumukulog! Piglang pumatak ang malalaking butil ng ulan. Pati ba naman ang langit ay nakikiramdam sakin? Tila natigil na lamang ang isip ko at bigla na lang may nahuhulog sa ‘king mga mata habang iniisip ko si Miko. Ganoon talaga siguro na sa kabila ng kasiyahan ng mga bata naglalaro kanina sa parke, bigla na lang magsisipaglaglagan at magsisipagpatak ang tubig sa langit na para bang nalulungkot. Siguro nga ganoon lang kadali ang kunin ang saya na nararamdaman mo sa mga taong mahal mo. Siguro ganoon na lang kadali pawiin ng ulan ang saya ng mga batang naglalaro. Pero ba’t masakit—sobrang sakit ng mawalan ng isang bata na dahilan ng pagngiti ko sa araw-araw?
            Ano ba ito? Bakit nagmistulang gripo ang aking mga mata sa dami ng pagagos ng luha. Bakit tila ba akong nahuhulog sa isang malalim na bangin na walang katapusan at walang maayos na dahilan? Buti pa si Rizal, naging pambansang bayani dahil sa kanyang pagtatanggol sa bayan. Sa simpleng pagsulat niya at pakikipagkomunikasyon sa mga banyaga ay napagtanggol niya ang ating bayan. Sa sobrang kadakilaan niya, ayan, nakatayo siya at nagkaroon ng rebulto dito sa parke. Nagpapakabayani siya sa lakas ng ulan. Mabuti nga inisip niya ang kapakanan ng nakararami kesa sa pansarili niyang kagustuhan. Kung mahalintulad lang sana sa kanya ang mga lider ng bansa, eh di sana maayos na ang daloy ng panahon. Hindi tulad ni Marcos na pansarili kapakanan lang ang iniisip. Pagiging presidente? Yun ba ang gusto niya? Pagiging lider ba o pera ang gusto niya? Sa sobrang takaw niya at ng kanyang asawa sa pera ay handa na silang mangitil at mangontrol ng buhay. Bakit may mga ganyang tao?
            Lumahok kami sa rally noon.
            “Makibaka! Ipaglaban! Karapatan! ng mamamayan! Ipaglaban!”
“Makibaka! Ipaglaban! Karapatan! ng mamamayan! Ipaglaban!”
Lumingon ako kay Miko, “Anak, Miko, wag kang lalayo sa tabi ko ha?”
“Opo. Itay.”
“Makibaka! Ipaglaban! Karapatan! ng mamamayan! Ipaglaban!”
“Teka lang po mga kababayan, teka lang po. Kami po ay sumusunod lang sa nakakataas. Maging kami po ay ayaw naming ng patakarang ito. Kung hindi po kayo aalis ay mapipilitan po kaming paalisin kayo at buhusan kayo ng tubig.” mahinahong sabi ng isang pulis.
“Wala! Walang aalis!” sigaw ng isang aktibista.
“Makibaka! Ipaglaban! Karapatan!” sagot naman ng karamihan.
“Ser, kung hindi po kayo aalis ay mapipilitan po talaga kami. Masasaktan lang po kayong lahat rito.” biglang tumaas ang boses ng hepe.
“Magkamatayan na!” sigaw ng isang lalaking dalang banner.
“Walang aalis sa’min!” sagot naman ng isa.
Napakaraming sumali sa rally noon. Bigla akong nag-alala, “Anak? Saan kana? Anak? Miko? Miko? Saan ka na?”
Walang nagawa ang hepe, “Sige na mga bata, ilabas na ang truck ng tubig.”
Bumuhos ang napakalakas na tubig nang biglang mawala sa tabi ko ang anak ko, “Anak? Miko! Nasaan ka?”
Patuloy pa ring sumisigaw ang mga tao, “Makibaka! Ipaglaban! Karapatan! Ng mamamayan! Ipaglaban!”
Bumuhos ng tubig habang naririnig ko ang tunog ng pagbasag ng bote, putukan ng baril at pagsabog ng granada. Alalang-alala, patuloy kong hinanap ang anak ko
“Miko! Miko! Nasaan ka anak? Miko! Miko.”
Biglang pumutok ng baril kasabay ng sigaw ng isang maliit na bata.
“Itay…”
“Miko! Miko! Anak ko…”
Iyon na siguro yung huling oras na nakapiling ko yung anak ko. Nasaan na ka na kaya Miko? Hayaan mo anak, ipaglalaban kita. Makakamit rin natin ang hustisya anak. Sana maluwalhati at masaya ka kung nasaan ka man. Malapit ko nang makamit ang katarungan sa iyong pagkawala. Sa pamamagitan ng mga taong ito na nakasulat sa papel na ito, siguradong makakamit natin ang hustisya. Mapapakulong natin si Marcos. Babagsak siya sa kanyang mga karumaldumal na kasamaang ginawa. Ililista ko ang lahat ng tao dito upang mapatalsik natin si Marcos. Anak, maghintay ka lang. Nar’yan na ang hustisya anak.
Oras na. Oras na para mangalap ng madaming pangalan. Tumila na rin ang ulan. Dapat ko nang simulan para hindi ako magabihan mamaya.

“Ikaw, anong pangalan mo?”