“San Tayo? Ikaw na mag decide! Ikaw na nga! Ikaw na sabi eh…
Ganun ba kayo?
‘Yung hindi niyo alam kung saan kayo pupunta. Hindi niyo alam kung ano gagawin
niyo. Hindi niyo alam ang kakainin niyo. Hindi niyo alam kung saan magde-date.
‘Yung hindi niyo alam kung sino ba talaga ang magdedecide para sa inyong dalawa
at sa inyong gagawin. Kung kayo ay ganun, sasabihin ng iba ay hindi maganda
sapagkat wala kayong isang desisyon at dahilan lamang ng pag-aaway. At para sa
pananaw naman ng iba ay maganda kasi dito niyo daw makikita ang trust sa
dalawang nagmamahalan.
Ano
nga ba? Sino ang magdedesisyon? Sino dapat ang sundin? Lalaki ba? Lalaki daw
sapagkat sila daw nagdadala sa isang relasyon. Sabi naman ng iba ay babae? Kasi
kaming mga lalaki ay may pananaw na kayong mga babae ang aming susundin kasi
kayo ang batas, kayo ang masusunod at kayo ang mas nakatataas. Kung hindi niyo
naman alam kung sino sa inyong dalawa, marahil ay iniisip niyong dalawa na ayaw
niyong controlin ang isa’t isa. Ayaw niyong underin ang isa’t isa. Ayaw niyong
magdesisyon na ayon lamang sa inyong pansariling kagustuhan. Para sa akin okey lang naman kung sino ang
magdedesisiyon. Pweding ang lalaki, pweding ang babae, pweding palitan kayo
kung sino ang magdedecide. Ang mahalaga sa bawat desisyon na inyong gagawin ay
mararamdaman niyong dalawa ang saya na magkasama kayo, at ang desisyon na
walang masasabing sama ng loob. “Good decisions are made when doubts are in
abstraction.” Ganun talaga sa dalawang magkarelasyon, na ‘yung isa ay umaayon sa
anumang desisiyon nung isa at yung isa ay umaayon din sa kahit anong gawing
desisyon nung isa. Ang gulo diba? Minsan nga sa tagal niyo magdesisiyon, hindi
niyo alam na wala ng oras. Atleast masaya kayong magkasama sa lugar na kayo ay
nagdedesisyon pa lamang. Masaya kaya ‘yun! Hahaha.
No comments:
Post a Comment