“Simbolo!”
Ano
nga ba ang “sign”? Ito ba ‘yung sa Mathematics na subject? Together with cosine
and tangent? Ito ba ‘yung English ng “sine” kung san ka nanunuod ng movie? Ito
ba ‘yung perma? Ito ba ‘yung kailangan ng halaman para mabuhay? “Sign-light”
ba? Ahhhh! Ito siguro ‘yung hinihingi o hinihintay sa tuwing tayo ‘y
nag-dadoubt or di kaya magdedecide? Ito nga siguro ‘yun. Pero una sa lahat.
Naniniwala ba kayo sa sign? Sabi nila, “Oo! Naniniwala kami! Kasi ito yung
paraan ni God para tulungan kami sa pag decide.” “Oo! Kasi ito ‘yung pahiwatig!
Sign itself.” “Hindi! Kasi hindi naman ‘yun totoo at nagkakatotoo eh!” “Hindi!
Kasi pinapaasa niya lang ang mga taong nagpupursige at ginagawa ang lahat. Pero
sa huli siya parin ‘yung susundin which is masakit.” Sabi ko naman, “Okey lang
naman maniwala o hindi sa sign eh. Depende naman satin kung mararamdaman natin
ito or hindi na usually nararamdaman talaga natin ngunit ‘di natin alam na
naramdaman na pala natin ito. Ang sign kasi gamit sa pagdedesisyon, kapag
nagdodoubt or naguguluhan. Kasi laging nadiyan lang ang sign. Hindi hinihintay,
hinihingi. Ito ay kusang dadating sa atin ‘yun nga lang minsan hindi natin
alam. At huli, para malaman natin kung ito na nga ‘yung sign, let us define
“sign”. Ano nga ba talaga ang sign? Ito mismo ‘yung nararamdaman natin,
nafefeel, nakikita(mentally) at napapansin(emotionally) natin. Hindi ito ‘yung
mga bagay o pangyayaring imposible at mababa lang lang ang chance para
magkatotoo, dahil sating mga nararamadaman, ito na ‘yung sign. ‘Yung nga lang,
nasa atin ‘yun kung gusto talaga nating mangyari yung ating gusto, kailangan
nating sabayan at pakisamahan ang mga “sign” na ito.
No comments:
Post a Comment